-- Advertisements --

Nababahala si United Nations humanitarian chief Tom Fletcher na magkakaroon ng negatibong resulta kapag tuluyang nasira ang ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sinabi nito na hindi pa tuluyang naayos ang kondisyon sa Gaza at marami pa sa kanila ang nagugutom.

Base sa kanilang pagtaya na mayroong dalawa o higit pa sa 10,000 katao ang namamatay sa Gaza dahil sa kagutuman.

Magugunitang noong nakaraang buwan ng ipatupad ang ceasefire kung saan maraming mga bihag na rin ang napakawalan ng Hamas habang ilang daan na rin ng mga Palestinian inmates ang pinakawalan ng Israel.