-- Advertisements --

Nag-isyu ang United Nation ng global alert kaugnay sa kakulangan ng mga guro lalo na sa sekondarya.

Inisyu ng UN ang naturang alerto noong nakalipas na linggo sa isang pagpupulong ng International Task force on Teachers for Education sa Johannesburg sa South Africa.

Ayon sa UN Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), 7 mula sa 10 mga guro sa sekondariya ay mangangailangan ng kapalit pagsapit ng 2030 kasama na ang mahigit kalahati ng lahat ng mga guro na aalis sa nasabing propesyon sa pagtatapos ng dekada.

Ayon pa sa UNESCO, mangangailangan ng 44 million na mga guro ang buong mundo pagsapit ng 2030 para maisakatuparan ang Sustainable Development Goal ng dekalidad at patas na edukasyon.

Sinabi din ng ahensiya na malaki ang epekto ng kakulangan ng mga guro sa buong mundo. Isa na dito ang mas malaking bilang ng mga mag-aaral sa iisang classroom, mas mabigat na pasanin sa mga guro, educational disparities at financial strain sa sistema ng mga paaralan, nakakaapekto din ito sa kalidad at access sa edukasyon.

Top