-- Advertisements --

Nagbabala si United Nations Secretary General Antonio Guterres sa lumalalang “humanitarian catastrophe” sa Afghanistan.

Sinabi nito na lubhang nakakabahala na ang economic at humanitarian crisis sa nasabing bansa.

Bukod pa dito ang banta na tuluyang bumigay ang basic services.

Halos kalahati aniya sa populasyon ng Afghanistan o nasa 18 milyong katao ang nangangailangan ng tulong para mabuhay.

Nangagamba ito na tumaas ang bilang ng mga malnourished na mga bata at ang pagkawala ng mga tao ng kanilang karapatan para sa basic goods and services kada araw.

Kasabay nito ay hinikayat ni Guterres ang mga bansa na tulungan ang nabanggit na bansa.