-- Advertisements --
Nagbabala ang United Nations special rapporteur on human rights na tataas ang kaso kagutuman sa mga bata at mga may edad na.
Itinuturong dahilan dito ay ang international sanctions at pagsara ng mga bansa dahil sa COVID-19.
Sinabi ni UN’s special rapporteur on human rights Tomas Ojea Quintana na araw-araw ay lumalaban ang mga mamamayan sa North Korea para lamang sila ay mabuhay.
Nanawagan na rin ito na dapat tanggalin na ang sanctions na ipinataw sa North Korea.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inamin ni North Korea lider Kim Jong Un na nakakaranas sila ng krisis.
Nagkaroon din aniya ng mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nasabing bansa.