-- Advertisements --

Nag-abot ng $13 million na emergency funds ang United Nations para sa Mozambique at Comoros Islands.

Ito ay upang magbigay ng tulong sa pagsasaayos ng mga nasirang imprasktraktura at pati na rin pagbibigay ng pagkain at tubig matapos tamaan ang bansa ng malakas na bagyo.

Ang Cyclone Idai ang itinuturing ngayon na pinaka-mapaminsalang bagyo na tumama sa rehiyon kung saan nag-iwan ito ng 1,000 patay.

Nagbigay babala naman ang mga eksperto na maaari pang dumoble ang ulan na bubuhos sa bansa. Tinatayang kakailanganin ng mga bansang tinamaan ng bagyo ang halos $2 billion sa pagrerekober ng mga nasira, ayon sa World bank.