-- Advertisements --

Nagkasundo ang majority ng United Nations General Assembly na suspindihin Russia sa UN Human Rights Council.

Sa kabila ito ng mga alegasyon ng kalupitang ginagawa ng Russian soldiers sa kanilang pagsalakay sa Ukraine.

Nakasaad sa draft ng isang resolusyon na maaaring suspindihin ng General Assembly ang rights of membership ng isang miyembro ng Human Rights Council na gumagawa ng mga paglabag sa international humanitarian law.

Ayon kay US Ambassador Linda Thomas-Greenfield, walang karapatan ang Russia na maging miyembro ng isang samahan na ang pinaka layunin ay isulong ang karapatang pantao.

Ito ay matapos aniya na masaksihan ng lahat kung gaano kaliit ang pagrespeto ng Russia sa human right at ang paglahok daw nito sa Human Rights Council ay nakakasira sa kredibilidad ng Kogreso.

Samantala, bilang tugon dito ay nanawagan si Russian ambassador to the United Nations Gennady Kuzmin na mga miyembro ng estado na i-reject ang naturang resolution sa kadahilang magtatakda lamang ito ng “dangerous precedent”.

Sinabi rin Kuzmin na ang ginawang aksyon na ito ng UN General Assembly ay isang pagtatangka ng Estados Unidos na panatilihin ang kanilang dominant position at total control upang ipagpatuloy ang binabalak nitong human rights colonialism sa international relations.