-- Advertisements --

Naglunsad ang United Nations (UN) ng $397.6 milyon halaga para tulungan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na ang nasabing halaga ay para matugunan ang humanitarian needs sa loob ng tatlong buwan.

Isinasapinal na rin nila ang parehas na apila para sa mga mamamayan ng Turkey.

Base kasi sa pagtaya ng UN na nasa halos siyam na milyong mga Syrian ang apektado ng lindol mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

Aabot rin sa mahigit pitong milyong mga bata ang naapektuhan ng lindol sa dalawang bansa.

Ayon naman kay James Elder ang tagapagsalita ng United Nations Childrens Fund (UNICEF) na mayroong 4.6 milyon na bata ang apektado sa 10 probinsiya ng Turkey habang mayroong 2.5 milyon bata naman sa Syria.