-- Advertisements --
Magsasagawa ang United Nations (UN) on Human Rights Council ng imbestigasyon sa naganap na labanan sa pagitan ng Israel at mga Hamas militants sa Gaza.
Sa ginawang botohan mayroong 24 miyembro nito ang sang-ayon sa imbestigasyon habang siyam ang hindi pumayag.
Hindi naman sang-ayon dito ang US dahil ang magdudulot lamang ng kalituhan sa binubuong kapayapaan sa lugar.
Magugunitang aabot sa 242 katao na ang nasawi sa Gaza habang 13 sa Israel sa 11 araw na rocket attacks.