Muling nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres ng agarang pagpapalikas sa mahigit 2,500 na kabataan mula sa Gaza.
Ayon kay Guterres, ang mga ito ay kailangang isailalim sa medical treatment.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang naging pakikipagpulong sa mga U.S. doctors.
Nabatid na ang naturang bilang ng mga bata ay maaaring maharap sa kamatayan sa mga susunod pang linggo.
Nag-aalala ang mga doktor sa kalagayang pangkalusugan ng mga bata sa Gaza dahil sa patuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian Hamas militants.
Ang 15-month-long war sa pagitan ng dalawang bansa ay nakaapekto na sa mahigit 2 million katao at kanilang sistema ng healthcare.
Batay sa datos ng World Health Organization , aabot sa 12,000 pasyente ang patuloy na naghihintay ng medical evacuations.