-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nation ng ceasefire sa Ethiopia.
Ito ay para maabutan nila ng tulong ang mga naapektuhan ng nasabing kaguluhan.
Nagkaroon kasi ng tensiyon s pagitan ng militar at mga sundalo na loyal sa political leadership sa northern Tigray region.
Umaabot na umano sa mahigit 100 katao na ang nasawi sa nasabing kaguluhan.
Nasa mahigit 33,000 na mga refugee na rin ang nakatawid na sa border nilang Sudan.
Nagsimula ang kaguluhan ng ipagpaliban ni Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed ang halalan noong Hunyo na ikinagalit ng mga oppositon na group sa nasabing bansa.