-- Advertisements --

Nanawagan si United Nation Secretary General Antonio Guterres ng karagdagang $35 billion na pondo para sa pagsuporta sa “ACT Accelerator” programme ng World Health Organization (WHO).

Ang nasabing programa ng WHO ay para sa pagsuporta ng bakuna, treatments at diagnostics laban sa COVID-19.

Sinabi pa ng UN official na hindi na dapat ipagsawalang bahala ang nasabing pondo dahil sa kaliangang malabanan agad ang COVID-19.

Umaasa naman ito na tutugon ang ilang mga bansa sa nasabing panawagan.