-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nations sa mga Houthi rebels sa Yemen na pakawalan ang 11 mga personnel nila.
Ayon kay UN spokesman Stéphane Dujarric na ang nasabing mga personnel nila ay dinukot sa iba’t-ibang bahagi ng Yemen.
Naniniwala sila na ang ginawa na ito ay isang uri ng coordinated crackdown.
Itinuturing kasi ng nasabing grupo bilang bahagi sila ng Iranian-led “axis of resistance” laban sa Israel, US at ilang mga bansa sa timog.
Maging ang mga empleyado ng ilang international organizations ay ikinulong ng nasabing mga Houthis.