-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nations (UN) sa mga kalapit na bansa ng Afghanistan na buksan lamang ang kanilang border.
Inaasahan kasi ng UN na maraming mga mamamayan sa Aghanistan ang lilikas matapos ang ginagawang mabilisang pagsakop ng Taliban militants sa malaking bahagi ng nasabing bansa.
Nagbabala rin ang World Food Programme (WFP) na magkakaroon ng krisis sa pagkain dahil sa nangyayaring labanan.
Nitong Biyernes ay nasakop na ng Taliban ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Afghanistan na Kandahar.
Naging mabilis ang ginagawang pagsakop ng mga Taliban sa malaking lugar ng Afghanistan matapos na magdesisyon ang US na tanggalin ang kanilang sundalo.