-- Advertisements --
Nanawagan si United Nation Secretary General António Guterres sa mga bansa na pagtuunan ng pansin ang nagaganap na climate change.
Kasunod ito ng ulat ng grupo ng mga scientist ng UN Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na kagagawan rin ng mga tao kaya lumalala ang mga heatwaves, tag-tuyo at pagbaha sa mga bansa.
Tinawag pa ng UN chief ang ulat na “code red in humanity”.
Lumabas kasi ulat ng IPCC na noong nagdaang limang taon ay naitala ang pinakainit na temperatura, tumaas rdin ang sea level kumpara noong 1901-1971, malaki ang impluwensiya ng tao sa pagkawala ng mga glaciers sa Arctic sea-ice noon pang 1990.