-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nations General Assembly na pigilin ang pagpasok ng mga armas sa Myanmar.
Hinikayat din nila ang mga military sa Myanmar na irespeto ang resulta ng halalan noong Nobyembre at palayain ang kanilang leader na si Aung San Suu Kyi.
Pinagtibay din ng General Assembly ang resolution na suportado ng 119 bansa ilang buwan matapos na ma patalsik ng military si Aung San Suu Kyi.
Tanging ang bansang Belarus ang kumontra habang 36 ang nag-abstain kabilang ang China at Russia.
Hindi naman bumuto ang 37 General Assembly members.
Magugunitang noong Pebrero ay inagaw ng Myanmar miltary ang kontrol sa gobyerno kung saan ikinulong si Suu Kyi dahil umano sa pandaraya umano sa halalan.