-- Advertisements --

Nanawagan ang United Nations sa US na dapat ipressure ang Israel na tumugon sa ceasefire.

Ayon kay UN Secretary-General António Guterres, na mayroong sapat na impluwensiya ang US sa Israel para gawin ito.

Ikinakabahala kasi ng UN ang pagdami ng mga nasasawing inosenteng sibiliyan sa pinaigting na military operations ng Israel sa Gaza.

Kabilang ang US sa mga mediator na bansa gaya ng Qatar at Egypt na tumutulong sa Hamas at Israel na sumang-ayon sa ceasefire deal.