Naniniwala ang United Nations na magkakaroon ng global impact ang anumang magiging resulta ng 2024 US Presidential Elections.
Ito ang naging kasagutan ni UN spokesman Stephane Dujarric, matapos siyang matanong ukol sa posisyon ni UN Secretary-General Antonio Guterres sa US Elex.
Bagaman hindi na pinalawig pa ni Dujarric ang paliwanag, tinukoy nito ang naging pahayag ni Gutterres sa nakalipas na UN General Assembly kung saan sinabi nitong kalahati ng populasyon ng buong mundo ay ay boboto ngayong taon, at lahat ay maaapektuhan sa naturang boto.
Ang naturang pahayag ay tumutukoy sa pagboto ng halos 4 billion botante ngayong taon sa mahigit 50 bansa, kabilang na ang US batay sa 2022 census ay mayroong itong 161.42 million botante.
Ngayong araw(Nov. 5) ay ang nakatakdang bumuto ang mga US voters para sa kanilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo.
Ihahalal din ng mga ito ang kanilang kinatawan sa Kongreso, state governor, at mga local government officials.