Patay ang isang peacekeeper ng United Nations (UN) matapos umanong masabugan ng land mine ang convoy na sinasakyan nito sa bansang Mali.
Batay sa ulat, patungong border ng Burkina Faso ang Egyptian contingent ng UN force nang mangyari ang insidente.
Agad naman itong pinuna ng mga opisyal ng UN.
“(It was a) cowardly attack,” ani United Nations Multidimensional Integrated Stabilization Mission (MINUSMA) chief Mahamat Saleh Annadif.
Ayon kay UN force commander Dennis Gyllensporre agad naka-responde ang kanilang hanay at naaresto ang anim na attacker.
Patay naman ang isa.
Bagamat lumagda sa peace agreement ang Mali noong 2015 bigo ang Bamako government na mapigilan ang mga kaso ng karahasan.
Ito ay sa gitna na rin mga pag-atake ng Islamis groups na nais sakupin ang hilagang bahagi ng bansa.
Sa datos ng UN, nasa halos 200 peacekeepers na ang nasawi sa Mali.
Dahil dito itinuturing ng pinaka-delikadong UN peacekeeping operation ang MINUSMA.(AFP)