-- Advertisements --

Nakapulong ni United Nations Peacekeeping chief Jean-Pierre Lacroix ang mga lider ng sundalo ng Lebanon.

Ang nasabing pulong ay bilang pagpapasya sa pagtalaga ng mga Lebanese armed forces sa southern Lebanon.

Ilan sa mga opisyal na kaniyang kasamang nakapulong ay ang parliament speaker at sina Amal Movement leader Nabih Berri, Defence Minister Maurice Sleem, Foreign Minister Abdallah Bou Habib, at Army Commander General Joseph Aoun.

Nakausap din nito ang mga representatives ng mga bansa na mayroong sundalo na nagsisilbing peacekeeping forces sa southern Lebanon.

Magugunitang mariing kinondina ng UN ang ginagawang pag-atake ng Israel sa mga peacekeepers na nakatalaga sa Lebanon.