-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng United Nations Peacekeeping ang mga patuloy na paglabag umano ng Israel at Lebanon sa ceasefire agreement.
Ayon sa UN na marapat na tumugon na ang dalawang panig kung ano ang napag-usapan.
Nagpulong na rin sina Lieutenant General Aroldo Lazaro Saenz, UNIFIL head of mission at force commander, kasama sina US Ambassador Lisa Johnson at Major General Jasper Jeffers na sila ang magbabantay sa ceasefire deal.
Magugunitang nagpapatuloy ang palitan ng airstrike ng Israel at Lebanese group na Hezbollah kahit na tumugon na sila sa ceasefire deal.