-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nation ng pagpapasara ng lahat ng mga detention centers para sa mga refugees sa Libya.
Tinawag ng UN refugee agency na hindi nababagay ang detention centers para sa mga migrants.
Isinagawa ang panawagan matapos ang dalawang linggo kung saan mahigit 50 katao ang napatay sa air strike sa holding facility sa Libyan capital Tripoli.
Karamihan sa mga biktima ay mga Africans na sinubukang maaabot ang Europe na lulan ng bangka.
Maraming mga migrants ang nagkakakasakit dahil sa kondisyon ng detention center na pinapatakbo ng gobyerno.