-- Advertisements --
Bumuhos ang papuri mula sa ilang eksperto at sa United Nations (UN) sa agarang pagkilos ng India upang ilikas ang milyon-milyong katao bago pa man nag-landfall ang bagyong Fani.
Ito ay upang mabawasan ang bilang ng mga taong maaaring mamatay dahil sa kalamidad.
Nag-iwan naman ng pinsala ang nasabing bagyo sa Odisha bago tinungo ang Bangladesh kung saan 34 katao ang naitalang patay.
Limitado naman ang komunikasyon sa Puri, India at ayon sa mga relief officials ay hindi nila magawang ma-contact ang iba pang rescue teams dahil sa pinsalang natamo ng lugar.
Inaasahan namang bibisita ngayong araw sa Odisha si Indian Prime Minister Narendra Modi.