Planong lumikom ng United Nations (UN) ng $32.9M upang matulungan ang Pilipinas dahil sa naging sunod-sunod na mga bagyo na tumama sa bansa.
Ang Philippine Humanitarian Country Team (HCT), na pinamumunuan ng United Nations (UN), ay sinimulan na ang Humanitarian Needs and Priorities (HNP) Plan para suportahan ang halos nasa 210,000 na mga katao na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, partikular sa Bicol, Calabarzon at Cagayan Valley.
Ang Humanitarian Needs and Priorities (HNP) Plan ay ilalaan para sa pagliligtas at proteksyon para sa mga vulnerable groups.
Kaugnay nito, hinimok ni UN Philippines Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez ang mga resource partners na suportahan ang HNP para makalikom pa para sa naturang funding.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel Nepomuceno ang hakbangin na ganito ng United Nations. Aniya, mas papalakasin at papatatagin pa ng gobyerno ang pag-responde sa mga sakuna na tatama sa bansa.