Sinabihan ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde na “sobrang pakialamero” ang isang United Nations (UN) Rapporteur dahil sa panghihimasok nito sa panloob na kalakaran ng Pilipinas.
Ito ang reaksiyon ni Albayalde sa panawagan ng UN Rapporteur na magkaroon ng inidependyenteng imbestigasyon sa mga umano’y “unlawful deaths†sa kampanya kontra iligal na droga.
Kinontra naman ni Albayalde ang sinabi ng UN rapporteur na “unlawful deaths.”
Nanindigan naman ang hepe ng pulisya na lahat ng mga kaso ng mga namatay sa mga isinagawang police operations sa kampanya kontra iligal droga ay naimbestigahan na.
Giit nito na hindi umano makatarungan na ikonsidera na bahagi ng mga namatay sa kampanya kontra iligal na droga ang mga homicide cases na may iba’t ibang motibo na walang kinalaman sa giyera kontra droga.
Aniya, ang lahat ng aksyon ng PNP ay ginagabayan ng striktong “operational procedures†na naayon sa batas at may paggalang sa karapatang pantao.
Siniguro naman ni PNP chief na ang sinumang pulis na napatunayang lumabag sa kanilang “operational procedures†ay sasampahan ng kasong administratibo o kriminal, at sisibakin sa serbisyo.