-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang United Nations (UN) refugee chief na si Filippo Grandi.

Dahil dito ay hindi na siya pinadalo sa Executive Committee ng UNS High Commissioner for Refugees.

Sinabi nito na mayroon siyang mild symptom kaya minabuti na niyang mag-isolate na mag-isa.

Nagtalumpati pa ito sa podium ng UN Assembly Hall sa Geneva nitong nakalipas na Lunes at pagkatapos noon ay pinauwi na siya.

Agad naman nitong ipinaalam sa pitong tao na kaniyang nakasalamuha ang kanyang kalagayan matapos na lumabas ang resulta nito.