-- Advertisements --

Nababahala ang United Nations Human Rights groups sa ipinapatupad ng China na bagong security law ng sa Hong Kong .

Sa 14-na pahina na sulat na ipinadala ni Fionnual Ni Aolain, ang UN special rapporteur on protecting human rights while countering terrorism at anim pang UN experts na ang nasabing bagong batas ay hindi naaayon sa legal obligation ng China sa ilalim ng international Law.

Nababahala rin sila sa impatct nito sa kalayaan na ibinigay sa Hong Kong na ipinasakamay ng Britanya ang kontrol sa China noong 1997.

Magugunitang sumiklab ang mga kilos protesta dahil sa itinuturing ang nasabing batas ay isang uri ng pagsupil ng kanilang kalayaan.