-- Advertisements --

Binatikos ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang “nasira” na mga pangako ng Taliban sa mga kababaihan sa Afghanistan.

Hinimok naman nito ang buong mundo na magbigay ng ayuda sa nasabing bansa upang maiwasan ang pagbagsak ng ekonomiya.

Sinabi ni Guterres na naalarma siya sa nasirang pangako ng mga Taliban sa mga kababaihan sa Afghanisan at umaapela ito na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng international human rights at humanitarian law.

Napag-alaman na milyon-milyon pa rin sa mga kababaihan sa Afghanistan ang naghihintay na muling makapag-aral habang nagsimula nang mag-aaral noong nakaraang buwan ang mga lalaki.

Marami ang naalarma na muling mangyari sa mga babae ngayon sa Afghanistan ang nangyari noong taong 1990s kung saan pinagbawalan ang mga babae na mag-aral at magtrabaho.