-- Advertisements --

Kinondina na ngayon ni United Nations secretary general Antonio Guterres ang ginawang missile strike ng Iran sa Israel.

Ginawa ng opisyal ang pagkondina matapos na ideklara siya ng Israel bilang persona non grata at hindi na papatuluyin sa Israel.

Sa talumpati nito sa UN Security Council, sinabi nito na mahalaga na dapat ay matigil na ang gantihan ng mga bansa sa Middle East.

Nilinaw nito na mula pa noong Abril ay kaniyang kinokondina ang nasabing pag-atake.

Magugunitang idineklara ng Foregin Minister ng Israel si Guterres bilang persona non grata dahil sa hindi nito pagkondina sa ginagawang pag-atake ng Hamas at Iran sa Israel.