-- Advertisements --
Nanawagan si United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres sa mga bansa na doblehin ang kanilang paggawa ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay dahil marami pa ring mga bansa ang hindi pa nababakunahan ang kalahati ng kanilang populasyon.
Sa kaniyang talumpati sa 76th UN General Assembly, hindi nito maiwasan na batikusin ang mayayamang bansa na nagsisimula na silang magsagawa ng booster shots habang marami pa rin ang hindi pa nababakunahan.
Nanawagan din ito sa US at China na magsagawa ng dialogue para maiwasan ang pagkakahiwalay ng mga bansa.
Mahalaga ang pag-uusap at pagkakaintindihan para maiwasan ang pagkakawatak-watak ng mga bansa.