-- Advertisements --
Tinawag ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres na libingan ng mga bata ang Gaza dahil sa pinaigting na opensiba ng Israel laban sa Hamas militants.
Maituturing na ang bangungot ang nasabing pangyayari sa Gaza ngayon.
Muli itong nanawagan sa magkabilang panig ng tigil putukan para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nasasawi.
Kasabay din nito ay mayroong ilulunsad nila ang $1.2 bilyon na humanitarian appeal para tulungan ang buong populasyon ng Gaza.
Magugunitang pumalo na sa mahigit 10,000 katao na ang nasawi mula ng pinaigting ng Israel Defense Forces sa Gaza.