-- Advertisements --

Idineklara ng Foreign Ministry ng Israel bilang persona non grata si United Nations Secretary-General Antonio Guterres.

Ayon kay Foreign Minister Israel Katz na epektibo agad ang nasabing kautusan at pinagbabawalan ng makapasok sa kanilang bansa si Guterres.

Isinagawa nito ang nasabing hakbang dahil sa hindi agad na kinondina ng Guterres ang pagpapaulan ng missile ng Iran.

Inakusahan pa nito si Guterres bilang anti-Israel at sumusuporta sa terrorist group.

Una ng kinondina ng Israel ang hindi agarang pagsulong ng UN bilang terrorist organization ang Hamas na lumusob sa Israel noong Oktubre 7, 2023.