-- Advertisements --
UN SECURITY COUNCIL
UN SECURITY COUNCIL

Magsasagawa ng close-door meeting ang United Nation (UN) Security Council.

Ang nasabing pulong na hiniling ng US ay isasagawa sa araw ng Lunes.

Ilan sa pag-uusapan dito ay ang pagpapabagsak ng Iran sa drone ng Amerika at ang pagpapasabog sa dalawang oil tankers noong nakaraang mga araw.

Magugunitang naglabas ng ebidensiya ang US ng mga larawan na may direktang kinalaman umano ang Iran sa pagpapasabog sa oil tankers na mariing pinabulaanan naman ng Tehran.

Dumepensa rin ang Iran sa ginawa nilang pagpapabagsak sa drone ng US dahil sa dumaan daw ito sa airspace nila at maituturing na probokasyon.

Dahil sa nangyari ay unang nagdesisyon si US President Donald Trump ng pag-aatake sa Iran subalit ito ay agad din niyang binawi.