Nagpatawag ng emergency meeting ang mga miyembro ng United Nations Security Council ngayong araw bunsod ng tumitinding humanitarian situation sa Ukraine.
Kabilang dito ang United States, Britain, France, Albania, Norway at Ireland sa humiling sa naturang pagpupulong.
Ayon sa British diplomatic mission to the UN, tina-target ng Russia ang mga inosenteng sibilyan dahil sa walang patumanggang war crimes.
Banta aniya sa lahat ang illegal war ng Russia.
Ngayong araw, muling hiniling ng Russia na ipagpaliban ang UN Security Council vote sa resolution hinggil sa humanitarian situation sa Ukraine.
Nakatakdang ituloy ang pagboto sa naturang resolution sa umaga ng Biyernes.
Maaalala na noong Pebrero 25, isang araw matapos ang paglulunsad ng special military operation sa eastern Ukraine, 11 miyembro mula sa Security Council ang bumuto ng pabor sa resolution na kumokondena sa Russian invasion.
Ayon din sa diplomatic sources, nakatakdang pag-usapan din ang posibilidad na pagsasalita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa United Nations General Assembly.