Nagpatawag ng emergency meeting nitong Linggo ang United Nation Security Council matapos hilingin ng Israel para kondenahin ang pag-atake ng Iran sa Israel.
Sa naturang pagpupulong, hiniling ni Israeli Ambassador to the UN, Gilad Erdan sa konseho na italaga ang Iranian Revolutionary Guard Corps bilang teroristang organisasyon.
Sinabi rin ng Israeli envoy na ang pag-atake ng Israel at isang seryosong banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad at umaasa ito na gagawin ng konseho ang lahat ng paraan para gumawa ng konkretong aksiyon laban sa Iran.
Samantala, sa pagbubukas naman ng sesyon nagbabala si UN Secretary General Antonio Guterres na nasa bingit ng pananib ang Middle East.
Humaharap din aniya ang mga tao sa rehiyon sa tunay na panganib ng mapaminsala at full scale conflict.
Kaugnay nito, sinabi ni Guterres na ngayon ang panahon para i-deescalate at pairalin ang maximum restraint.