Ipagpapatuloy ng United Nations General Assembly ang emergency session nito upang talakayin ang sitwasyon sa Gaza.
Ito ay matapos na pagtibayin ng US ang resolusyon ng UN Security Council na nananawagan ng humanitarian ceasefire.
Matatandaan na ang pangulo ng US na si Joe Biden ay nangako ng hindi matitinag na suporta para sa digmaan ng Israel laban sa Hamas.
Sa kasalukuyan, pinapaligiran ng mga tropang Israeli ang huling dalawang kuta ng Hamas na Jabalya at Shejaiya sa hilagang Gaza.
Dagdag dito, isang health official ng Gaza ang nag-ulat ng mas matinding labanan sa pagitan ng dalawang panig at dose-dosenang mga nasawi sa paligid ng refugee camp ng Jabalya.
Una na rito, umakyat na sa bilang na kabuuang 18, 205 ang mga naitalang nasawi dulot ng nagpapatuloy na sigalot ng israel at ng militanteng Hamas.