-- Advertisements --

Magpupulong ang United Nations Security Council sa araw ng Martes para talakayin ang pag-atake ng Israel sa Iran.

Ang nasabing pulong ay base na rin sa hiling ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi ng sumulat ito sa UN Security Council.

Base sa sulat na dapat ay gumawa na ng hakbang ang UN sa ginawang pag-atake sa kanila ng Israel.

Magugunitang nitong Sabado ng naglunsad ng malawakang airstrikes ang Israel sa mga factories at ilang lugar sa Tehran at sa western Iran.

Ang nasabing hakbang aniya ng Israel ay isang pagganti sa ginawa ng Iran noong Oktubre 1 gamit ang nasa 200 na mga ballistic missiles.