-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nations Security Council sa Myanmar junta na palayain ang dating lider nila na si Aung San Suu Kyi.
Isinagawa nila ang panawagan sa pamamagitan ng pagpasa ng resolution.
Ang nasabing resolution na isinulong ng Britanya ay naipasa matapos na makakuha ng 12 boto sa 15 member council.
Magugunitang nasa military rule ang Myanmar mula pa noong Pebrero 2021.