-- Advertisements --

Itinuturing na ngayon ng United Nations na wala ng ligtas na lugar pa sa Gaza na maaring tirahan ng mga tao.

Kasunod ito sa tuloy-tuloy na ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres, na mahalaga na ang mga sibilyan ay mabigyan ng proteksyon at ang mga lumikas naman ay may katiyakan na ang ito ay makabalik sa kanilang mga tahanan.

Magugunitang maraming mga residente ng Deir el-Balah sa Gaza ang pinalikas matapos ang ginagawang paglusob ng mga Israeli forces.