-- Advertisements --

Isinalarawan ngayon ng United Nations na ang sitwasyon sa Gaza ay “total lawlessness” o kabuuang wala ng batas.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres, na hindi na makontrol ang mga looters sa mga truck na may dalang mga humanitarian aid.

Hindi na makontrol ang mga tao doon dahil sa labis na kagutuman ang kanilang nararanasan kaya nagagawa nilang magnakaw na lamang ng mga pagkain.

Dahil aniya sa pangyayari ay hirap na sila ngayon na magbigay ng mga tulong sa Gaza.