-- Advertisements --

Umapela ang United Nations (UN) ng $160 milyon na tulong pinansiyal sa Pakistan na sinasalanta ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na dahil sa matinding pagbaha ay ilang milyong katao na ang nadamay.

Mayroong mahigit 1,100 katao na rin ang nasawi dahil sa nasabing kalamidad.

Nauna ng nagbigay ang US ng $30-milyon bilang tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.