-- Advertisements --

Umapela ang United Nations ng $160 milyon na tulong pinansiyal sa Pakistan na sinasalanta ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres , na dahil sa nasabing malawakang pagbaha ay ilang milyong katao na ang nadamay.

Mayroong mahigit 1,100 katao na rin ang nasawi dahil sa nasabing pagbaha.

Nauna ng nagbigay ang US ng $30-milyon bilang tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.