-- Advertisements --

Umapela ang United Nations (UN) sa mga bansa na magsagawa ng pag-aayos sa mga nasirang mga gusali sa Gaza dahil sa missile attack sa pagitan ng Israel at hamas militant group.

Sinabi ni Lynn Hastling, UN Humanitarian Coordinator sa Palestinian territories, na kailangang maiyos ito agad dahil sa mayroong banta ang pagkalat ng COVID-19.

Nauna ng sinabi na rin ni US President Joe Biden na makikipagtulungan ito sa UN para maihatid ang tulong sa Gaza.

Magugunitang nagkasundo ang mga Israel military at Hamas militants ng ceasefire matapos ang 11 araw na palitan ng rocket.