Pinaalalahanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang publiko nitong araw na hindi pinapahintulutan ang pag-set up ng assistance desk sa mga voting centers na walang accreditation mula sa Commission on Elections (Comelec).
Sa isang panayam, sinabi ni PPCRV director Arwin Serrano na tanging ang PPCRV lamang ang may accreditation mula sa Comelec na mag-set up ng voters’ assistance desks sa mga voting centers.
Maging ang mga non-government organizations (NGOs) aniya na kinilala ng mga lokal na panahan ay hindi rin pin pinapayagan na mag-set up ng help desks.
Maliban dito, pinaalalahanan naman din ni Serrano ang publiko na ang pagbibigay ng campaign leaflets, maging mga sample ballots, ay ipinagbabawal din sa araw mismo ng halalan.