-- Advertisements --
image 104

Naniniwala si Sen. Robinhood Padilla na magandang simula ang unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang punong ehekutibo ng bansa.

Sinabi ni Padilla, maliban sa pagbuo ng isang powerhouse team ng economic managers, personal na ginampanan ni Pangulong Marcos ang tungkulin ng “traveling salesman” na nag-akit ng pamumuhunan at negosyo mula sa ibang bansa.

Ayon sa senador, kasalukuyan ding personal na inaasikaso ang pangangailangan natin sa pagkain at agrikultura bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.

“Simula pa lamang ang unang 100 araw na ito, kung kaya’t hangad natin na maipagpatuloy ang ganitong magandang simula sa natitirang 2,092 araw ng kanyang termino – mula Oktubre 8, 2022 hanggang Hunyo 30, 2028 – para tugunan ang iba pang problema ng ating bayan,’ ani Padilla.