Nakaboto na ang halos 433 Pilipinong botante sa unang araw ng month-long overseas absentee voting (OAV) sa Singapore para sa May 2019 midterm election. Inaasahan namang daragsa pa ang bilang ng mga botante sa Linggo kung saan ito ang araw ng pahinga ng karamihan sa mga foreign domestic workers.
“The current lower number of active voters may be due to the large number of inactive users that were de-listed from the Certified List of Voters or when a voter did not vote for two consecutive elections, his/her name is removed from the list. Another reason is that many Filipinos [may] have left Singapore for good and did not re-activate their record,†ayon kay First Secretary and Consul J. Anthony Reyes.
Kumpara sa hybrid format na isinagawa noong 2016 elections, ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) na lahat ng embassy at consulate ay magsasagawa ng postal voting kung saan maaaring mamili ang mga registered voters na ipadala sa kanilang mga tahanan ang balota. Maaari rin namang magpunta ang mga ito sa kanilang himpilan upang personal na kunin ang balota at doon na mag-fill out, ngunit kailangan munang mapatunayan na sila ay rehistradong botante bago ito ibigay.
Ganito na rin umano ang sistema nila noong 2016 ngunit 2,000 botante lamang ang piniling ipadala sa kanilang mga tahanan ang balota dahil mas gusto umano nilang bumoto sa tradisyunal na pamamaraan.
Naitala noong 2016 presidential election na mayroong 86,000 botante sa listahan kung saan kalahati sa mga ito ang bumoto, samantala ngayong taon ay mayroon na lamang daw 76,000 voters.
Dagdag pa ni Reyes, mayroon nang 1,300 requests para sa postal voting pero sa kabila nito ay inaasahan daw niyang dadami pa ang bilang ng mga ito dahil unang linggo pa lamang naman ng 4-week OAV.
Maaaring i-request ng mga Pilipinong botante sa Philippine-Singapore website na ipadala ang balota sa kanilang tahanan kung saan kinakailangan nilang ilagay ang kanilang address.
Nakahanda naman daw ang mga ito kung sakaling umabot ng halos 76,000 ang mga botanteng pupunta sa kanilang opisina para bumoto.
Ang deadline nito ay inextend mula April 15 to April 30