-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Naging matagumpay ang pagsisimula ng local absentee voting para sa 2022 national elections sa rehiyong Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay COMELEC Bicol Director Atty. Juana Valeza, maraming tao ang nakilahok sa aktibidad na isinagawa sa mga opisina ng COMELEC, PNP provincial offices at iba pa.

Isinasagawa ang local absentee voting upang makaboto na ang mga empleyado ng gobyerno na may importanteng katungkulan sa mismong araw ng eleksyon kagaya ng mga COMELEC officials, pulis, coast guard, tauhan ng Department of Justice at iba pa.

Subalit kagaya rin sa overseas absentee voting mga national positions lamang ang maaaring botohan dito at hindi kasama ang mga tumatakbo para sa local positions.

Umaasa naman ang opisyal na magtutuloy-tuloy na matahimik at matagumpay ang tatlong araw na aktibidad na magtatapos sa Abril 30.