Sinimulan ng Democrats ang kanilang national convention sa pamamagitan ng pamamaalam kay US President Joe Biden na umatras na sa pagtakbo at inindorso si Vice President Kamala Harris.
Sa talumpati ni Biden sa Chicago ay ang pagpili niya kay Harris noong 2020 bilang runningmate niya ay itinuturing niyang best decision sa kaniyang buong career.
Dagdag pa nito na si Harris ang magiging pangulo na titingalahin ng mga kabataan at irerespeto ng mga lider sa buong mundo.
Kabilang din na nagtalumpati si dating First Lady Hllary Clinton kung saan naniniwala ito ng magiging kauna-unahang babaeng pangulo sa US si Harris.
Magugunitang inindorso ni Biden si Harris para humalili sa kaniya laban kay dating US President Donald Trump matapos ang panawagan ng kapartido dahil sa pangamba sa kaniyang kulusugan.
Pinili naman ni Harris si Minnesota Governor Tim Walz bilang kaniyang runningmate.