-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang “hybrid” bicameral meeting tungkol sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget sa Makati Shangri-La Hotel.

Si Sen. Sonny Angara, na chairman ng Committee on Finance ng mataas na kapulungan, ang nanguna Senate contingent.

Samantala, si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap naman ang nangunguna para sa 21 conferees mula sa Kamara.

Kabilang sa mga physically present sa closed door conference ay sina Angara, Senators Pia Cayetano, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, at Bong Revilla.

Sa hanay naman ng House contingent, physically present sina Yap, House Majoirity Leader Martin Romualdez, at Representatives Edcel Lagman, Robert Puno, Mikee Romero, Joseph Bernos, at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.

Ang mga kongresistang nagtungo sa venue ay sumailalim muna sa swab test upang sa gayon ay matiyak na hindi sila natamaan ng COVID-19.

Ang iba namang miyembro ng bicam ay dumalo na lang sa pulong via teleconference.

Natapos ang unang araw ng mga mambabatas na bumubuo sa bicam pasado alas-10:00 ng umaga.

Inatasan naman sina Angara at Yap na talakayin ang amiyenda sa General Appropriations Bill na ginawa ng mga senador at konrgresista.