-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tila Ghost town ang ilang bayan sa probinsya ng Cotabato sa unang araw nang pagpapatupad ng no movement on Sunday kasabay nang pag-uumpisa ng General Community Quarantine (GCQ).

Mahigpit na pinatupad ng pulisya,militar at mga Force multipliers ang kautusan base sa probisyon na inilabas ng Provincial Inter-agency task Force on COVID-19.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na pinairal nila ang maximum tolerance lalo na ay hindi lahat ng mga maaring pumasok ay alam na ang kautusan.
Pinaliwanag ng mga otoridad ang lahat ng pinagbabawal at pinabalik sa kanilang lugar ang ilang mga residente na hindi nakakaalam sa pinatupad na no movement on Sunday.
Sa mga lumabag at nagmamatigas ay dinala sa holding area ng pulisya at pinatawan ng penalidad.
Dahil sa suporta ng taumbayan 98 porsyento na tagumpay ang pagpapatupad ng unang araw ng no movement on Sunday.