-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging maayos ang unang araw ng pagababakuna sa mga batan edad 5-11 sa lungsod ng Laoag.

Ito ang ipinaalam ni Miss Giwani Silva, ang tagapangasiwa ng Operation Center ng lungsod.

Sinabi ni Silva na may mga iilan na hindi agad nabigyan ng bakuna kontra sa covid-19 dahil sa technical clarifications sa pangalan o apelido ng mga ito ngunit agad na nabakunahan matapos maayos.

Kaugnay nito, ani Silva na sa unang araw ng pagbabakuna sa nasabing age group ay aabot sa 300 ang mga nabakunahan sa lungsod.

Dagdag nito na sa ngayon ay aabot sa 2,000 ang nakapagrehistro para sa pagbabakuna.